Saan Mas Takot ang Kristyano? Sa Addict o sa Paglabag sa Utos ng Diyos?
Posted: 18 December 2020
By: Meilou Sereno Official FB Page
Marami-rami na rin akong nakilalang pastor at pari na dating drug addicts. Nandyan si Fr. Flavie Villanueva at si Pastor Steve Mirpuri. Ngayon, imbis na droga ang inaasikaso nila, pagpapakain ng mga tupa ni Hesus ang inaatupag. Patunay silang mga ilaw sa madidilim na lugar at preservative na asin sa nabubulok na lipunan. Sino nga naman ang kayang magsabi ngayon, na sana namatay na lang itong mga pastol na ito? Ilang daang homeless at poorest of the poor ang pinagsisilbihan nila ngayon, dahil buhay sila, at hindi pinatay dahil naging drug addicts. Lalo na’t buong pagpapakumbaba at kagalakang ikinekwento nila sa lahat, na gaya nila, ang bawat tao ay may second chance kay Hesus.
Kaya’t mahirap intindihin ang mga nagsasabing Kristyano daw sila ngunit sabay-bigkas ng “buti nga mamatay na ang mga addicts.” Parang bulag sa katotohanan na ang misyon ni Hesus ay ang pagbibigay ng pag-asa sa lahat ng nawawala sa tamang landas, mga “failures” sa buhay, at mga broken hearted. Parang nagbibingi-bingihan sa alingawngaw ng iyak ng mga naulila at balo, at ng dugong humihingi ng hustisya.
Kailangan na natin ng heart examination, o baka kaya heart replacement. Kasi, hindi compatible ang pagiging by nature compassionate ng mga Pilipino, ng love of God natin, sa napakataas na suporta para sa drug war na nakapatay na ng nakaparaming “drug suspects,” taliwas sa gusto ng nakararami na buhay sana ang lahat ng mga ito. Unless, hindi pala tayo naniniwala na kayang baguhin ng Diyos ang ating lipunan at iligtas tayo sa kriminalidad.
Sinasabi sa scriptures na tayong mga Kristyano ay iba’t ibang bahagi ng iisang katawan, at kung may pinagdaraanang karamdaman ang isa, halimbawa naging biktima ng isang drug addict, nakikiramay ang buong simbahan sa kanya. Gayun rin naman inaasahang makikiramay tayo sa pamilya ng isang EJK victim, totoong drug addict man o napagkamalan lamang. Ngunit ang nakikita natin ngayon, imbis na damayan ay tinutulak ang mga pamilya ng EJK outside of the “Christian kulambo;” ayaw kasing mapagkamalan at maisama sa drug list. Yan ang paulit-ulit kong naririnig ngayon – ang mga pamilya ng EJK victims ay biktima twice over: nawalan na sila ng mahal sa buhay, hindi pa nakikiramay ang kanilang mga kapitbahay at kaanak. Nakabibiyak po ng puso marinig ang ganyang hinagpis mula sa mga EJK orphans. Alam po nila kung pinagtatabuyan na sila na parang mga ketongin.
Hindi dati tayo ganito. Dati-rati, naghahalo ang ating mga luha at pagtangis sa bawat namatay dahil sa krimen. Madali sa ating makidalamhati pagkat alam natin ang hapdi ng sugat sa pagkawala ng mga mahal natin sa buhay sa isang violent na paraan.
Dahil sa drug war, mayroon tayong natuklasang mali sa ating pambansang kaluluwa. Pinili natin ang:
- maniwala sa assurance ni Pangulong Duterte na siya lamang ang mananagot, pagkat willing siya to “go to hell for you,” at dine-deadma natin ang babala ng Bibliya na lahat tayo ay mananagot sa mga patayang nangyayari;
- sumang-ayon na ang buhay ng mas nakararami (tayo yun) ay mas mahalaga sa buhay ng mga namatay o mamamatay (na maaari namang inosente); at
- kinalimutan natin na tinatawag natin ang Panginoon na ating “Healer.”
Una, alalahanin na hindi tayo maaaring magkibit-balikat lamang at magkunwari na wala tayong responsibilidad sa malawakang patayan na nangyayari ngayon, lalo na ang mga simbahan (
Gen. 4:9-11;
Gal. 6:1-3,
2 Cor. 6:3;
Col. 3:12-17)
Pangalawa, ang kaisa-isang nawawalang tupa ay hinanap ni Hesus ng buong pagpupursigi (
Luke 15:1-7). Kasama na dito, hindi Niya itinaboy kundi pinagaling ang demoniac na parang drug addict o “salot sa lipunan” ([/url=https://www.biblegateway.com/passage/?search=Luke+8%3A26-39&version=NASB]Luke 8:26-39[/url],
Mark 5:1-20). Minabuti pa ni Hesus na malugi ang isang piggery business upang pagalingin lamang ang isang kaluluwa. Tandaan natin na inutos Niya na tumuloy sa 2,000 heads of swine ang mga demonyo na nag-possess sa demoniac, at nagpakalunod ang mga ito. Siguro at least PhP 6m ang lugi ng may-ari, pero di-maitutumbas ito sa buhay ng isang demoniac. Parang tayo po, buhay ni Hesus ang ipinagpalit para sa ating mga makasalanan. Kaya’t pa’no po natin masasabing mas mahalaga ang buhay natin sa buhay ng mga pinatay at pinapatay ngayon?
Pangatlo, naniniwala tayo na ang patay ay kayang buhayin, ang paralitiko ay kayang patayuin, ang natuyo na kamay ay kayang lumago at gawing “normal” (
John 11:17-44;
Mark 2:1-12;
Mark 3:1-6). Ang bingi ay nakarinig na muli, ang bulag ay muling nakakita, at ang libu-libong gutom ay napapakain sa lilimang tinapay lamang (
Matt. 11:1-6;
John 6:1-14). Ito po ang misyon ni Hesus, na misyon na rin natin (
Luke 10:25-37). Nang sumang-ayon tayo sa “Kill, Kill, Kill,” tinatanggal na po ba natin kay Hesus ang ganitong misyon at ibinibigay na lamang kay Pangulong Duterte ang papel na taga-ayos ng lipunan bagamat sa maling paraan?
Kaya tayo tinawag na asin ay upang asinan ang matabang na panlasa ng mundong ang pagiging pragmatiko at praktikal lang ang alam, at hindi ang creativity at miracle powers ng Diyos. Kung may panukala na labag sa utos ng Diyos, tungkulin nating pigilan ang ikabubulok ng ating kaluluwa, ipakita sa pamahalaan ang “more excellent way of love” ni Pablo (
1 Cor. 12:27-31, [url=https://www.biblegateway.com/passage/?search=1+Corinthians+13&version=NASB1 Cor. 13[/url]), gaya ng maraming matagumpay na community-based rehabilitation programs ng faith communities.
Kaya tayo tinawag na ilaw ay upang liwanagin sa mga nagpa-plano sa dilim ng mga malawakang kasalanan gaya ng para-bagang sistematikong patayan (paano aabot ng libu-libo kung hindi talaga sistematiko?) na ang ilaw ni Hesus ay kayang sagipin ang ating lipunan mula sa kriminalidad. Dapat po ay ipinakita natin sa kanila ang mga talata sa Bibliya na ang pagdanak ng dugo ay magdudulot ng sumpa sa bayan, at walang sinumang makaliligtas sa responsibilidad pag dumating na ang araw ng singilan (
Num. 35:33).
Nabisita ko po ang isang malaking komunidad sa Luzon na may mga pamilya ng mga dating drug addicts, homeless o both. Ibang klase ang “aura” doon, ang mga nagpapatakbo ay mga dati ring kriminal na sumuko, hindi sa preso ng lipunan kundi sa pag-ibig ni Hesus. Kamangha-mangha ang mga testimonya ng residents at ng management, pinapatakbo ito ng mga “broken people,” ng mga tinuturing na “patapon” sa lipunan. Sa black-tiled walls malapit sa chapel, nakalimbag sa brass ang pangalan ng ilang mga tao. Sino ang mga taong yun, tanong ko. “Sila ang mga homeless na minahal ng aming komunidad. Hiningi namin ang mga bangkay nila sa mga ospital o punerarya pagkat inabandon na sila ng kanilang mga pamilya, at binigyan namin sila ng maayos na burol at libing. Sa ganitong paraaan, pinararangalan namin sila,” ang sagot sa akin.
Sa tingin ng komunidad na ito, ang mga abandoned homeless ay tulad ng pulubing mahal na mahal ng Diyos, kaya’t nang namatay ay mismong mga anghel ang nagkanlong ng kaluluwa paitaas (ayon kay Hesus sa
Luke 16:22) Abandoned man sila ng pamilya at lipunan, minahal sila ng kanilang kapwa sa komunidad na ito, at ang alaala nila at mga pangalan na nakaukit sa brass plates, ay pinaparangalan at patuloy na ipinapasalamat sa Diyos. Tunay nga na bawat isa sa kanila ay ginawa sa wangis ng Panginoon, at para sa bawat isa sa kanila inialay ni Hesus ang Kaniyang buhay (
Gen. 1:26-27;
Ps. 139;
Isa. 43:1-7;
John 10:14;
Rev. 3:12).
Ano ang take-away ko sa pakikisalamuha sa komunidad ng mga broken people na ito? Na hindi pala kailangang hintaying mamatay ang sinuman para maka-unang-tikim ng langit. Sa di-maipaliwanag na overpowering love ng komunidad na ito para sa kapwa na nagmumula kay Kristo, matatagpuan na pala ng tao ang langit sa lupa; naririto na pala sa kalagitnaan natin ang binhi ng Promised Land.
#
TugmaLahat#
EvilTurnedtoGood