🏠 Homepage | ChannelA Campaign Strategy by Illusions***Posted: 16 January 2022
By: Meilou Sereno Official FB Page
Twitter | Youtube | Instagram | Tiktok
Production numbers, feeling of inevitability, kailangan laging feel-good and strategy nila ngayon.Pansinin niyo po, kaliwa’t kanang survey na kaduda-duda, feel-good productions, mga congratulations na kagaad ang pinalalabas nila, kasi alam nila, uncomfortable ang Pinoy sa feeling na baka sila matalo.
Alam ng handlers ng Marcos campaign na ayaw na ayaw ng maraming Pinoy yung feeling na hindi sila nasa kampo ng llamado, na delikadong matalo ang kandidato nila. Kaya para huwag umalis sa kampo, kaliwa't kanang bendisyon na ng pagkapanalo from allies na very prominent ang placements sa media. Kasama pa rin po iyan sa mind conditioning strategies nila.
Gusto ng handlers, na ngayon pa lang, tatanggapin na ng taumbayan ang pagbalik ng pamilya ng budol-budol at pagnanakaw. Kaya panay victory atmosphere na, at paawa effect pa, na sila daw ang pinaka-sinisiraan. Eh, ano pong tawag mo sa ginawa nila sa mga kalaban nila all this time na pagpapakalat ng napakadaming spliced videos at paninira na pinasisinungalingan naman ng government records?
Hangga’t walang hustisya sa mga inapi ng Martial Law, pagsasauli ng nakaw na yaman, at pag-amin sa malaking kasalanan ng pang-aapi sa kapwa, at pagtulak ng idolatry ng mga pulitiko na ginawang sistema ng Marcos machinery, hindi titigil ang panawagan sa
Amos 5:24: “Let justice flow like a river, and righteousness like a never-failing stream.”Gusto nilang iparamdam na time na for celebration, pero ito ang totoo — hindi maaaring hindi hihingi ang Diyos at taumbayan ng accountability. Nag-offer noon ang mga Marcos na isauli ang 75% ng kanilang assets, basta ma-dismiss lahat ng charges sa kanila. Tanong, magkano ang assets na ini-offer niyong isauli noon? Magkwento kayo. You have all the chance in the world now. Saan nanggaling ang assets na iyon?
Obviously, nangbubudol-budol lang si Imelda nung sinabi niyang may 7,000 tons of gold kayo from gold trading. Mas mataas pa iyon kaysa medium-sized building, at haller, halos sing-yaman niyo na ang US Federal Government! Saan nanggaling ang mga hundreds of millions of dollars na itinago niyo sa iba’t ibang secret bank accounts sa ibang bansa? Gusto niyong pagkatiwalaan kayo ng taumbayan — magsabi kayo ng totoo.
Ito muna ang unahin. Walang magiging katahimikan ang bayan, sa pagdanak ng dugo ng libu-libong Pilipino, at sa pagnanakaw ng daan-daang bilyong yaman na sa mga Pilipino dapat napunta, hangga’t walang pag-amin, pagsisisi, at katarungan. Iyan ang malinaw na warning ni Amos, ni Isaiah, ni Jeremiah, at ng teachings on “righteousness exalting a nation, and sin being a rebuke to any nation”
(Proverbs 14:34). Nothing to celebrate, hangga’t hindi kayo tapat na magsasabi ng totoo sa bayan.