🏠 Homepage | ChannelAng Katungkulan ng PanguloPosted: 03 June 2022
By: Meilou Sereno Official FB Page
Twitter | Youtube | Instagram | Tiktok
Hindi po hari ang Pangulo, at hindi po siya pwedeng maging diktador. Siya po ay isang lingkod-bayan na hindi exempted mula sa accountability (Article XI, section 1, see non-exemption from COA audit in Article IX, D, section 3).
Ang Pangulo po ang tinatawag na Head ng Executive Department. Ibig sabihin, siya po ang pinunong tagapagpatupad ng batas at polisiya ng bansa. Hindi po niya pwedeng labagin ang Konstitusyon at mga batas; sa katunayan, ang Pangulo ang dapat na pangunahing tagapagpatupad ng batas at ang taga
preserve and defent ng
Constitution (Article VII, section 5). Kaya likas dapat sa salita at gawa ng Pangulo ang paghikayat na lahat, pati na siya mismo at ang kaniyang Gabinete at political allies, ay dapat sumunod sa batas.
Binigyan ang Pangulo ng napakalakas na kapangyarihan upang ipatupad ang pangunahing social goal na pagtataguyod ng
just and humane society.
Unang-una, ang law enforcement agencies para ayusin ang problema ng kriminalidad ay lahat nasa ilalim niya - ang kapulisan, ang mga ahensya ng imbestigasyon (kasama na ang lahat ng klaseng surveillance) prosekusyon, pagpaparusa at pagpiit, koreksyon sa kriminal, pagpasok at paglabas ng bansa, at crime prevention.
Ang Pangulo lang rin at ang mga ahensya under him ang pwedeng makipag-coordinate sa foreign governments to address crime.
Ibig sabihin, hindi pwedeng ireklamo ng isang Presidente na hindi niya mapatupad ang batas, halimbawa ukol sa kriminalidad, pagkat lahat ng personnel, armas at pera upang sugpuin ang krimen ay nasa ilalim niya. Ganung kalakas ang kapangyarihan niya. Kaya't ang isang mahusay na tanong ay:
GAANO KA-CONSECRATED AND PANGULO SA PAGPAPATUPAD NG BATAS?Dadagdagan po natin ang artikulo natin bukas. In the meantime, maaari na po ba tayong mag-discuss ngayong hapon tungkol sa maikling artikulong ito?
Ito po ang links sa ibang past articles na relevant po sa ating diskusyon tungkol sa Pangulo at Accountability:
📎
KUNG SANA ANG BAWAT PANGULO NG PILIPINAS AY TINUPAD ANG KANILANG SINUMPAANG PANGAKO SA BAYANKlicke zum Öffnen/Schließen
Ito ang Panunumpa ng Sinumang Maninilbihang Pangulo (This is the Oath of any Incoming President)
Kung sana ang bawat Pangulo ay tumupad sa kanilang sinumpaang pangako sa bayan, at ang taumbayan naman ay siniguradong tumutupad nga sila, mapapahusay ang kalagayan ng ating bayan. Kasama dito sa sumpa ng Article 7, section 5, ang mamuhay ayon sa batayan ng Article 11, section 1—tapat, responsable, may integridad, loyal sa Pilipino at patriotic, efficient, makatarungan at modest ang pamumuhay.
Mag-imagine po tayo: buhay sa Pilipinas na walang scandal ng malawakang nakawan. Pangulong hindi marami ang asawa na ang mga anak nila ay nag-aaway kung sino ang magmamana ng political mantle ng ama. Walang usaping tongpats, at walang nananakot sa COA kundi tinutulungan pa ito sa kaniyang trabaho. Pangulo na kapag binigyan ng budget upang sagipin ang taumbayan mula sa pandemya ay buong-lakas na tututok sa mga ahensya upang matupad ang layunin ng budget na ito. Pangulong hindi sanga-sanga ang dila kundi nagpapakita ng mabuting asal at ehemplo sa mga kabataan. Pangulong maaaring hangaan at sundan ang yapak sa pagka-makabayani at gumagalang sa dignidad ng kapwa.
Hindi nga hari ang Pangulo—at bawal ang hari sa Konstitusyon—ngunit hindi maiiwasang siya ay gagawing ehemplo ng marami. Kaya ang mabuting Pangulo ay tumutupad ng sinumpaan niya, hindi taga-sira ng ating sumpaang-bayan na Konstitusyon.
AT ANG TAUMBAYAN AY MAY KATUNGKULAN SA SALINLAHI NA IBOTO CONSISTENTLY ANG MAAASAHAN NA TUTUPAD SA SINUMPAAN SA BAYAN AT DIYOS.
📎
GASLIGHTING TUNGKOL SA COA
🎥
POWER STRUCTURE NG PILIPINAS: