🏠 Homepage | ChannelLabanan sa Dasal at Paliwanag ang KasinungalinganPosted: 07 May 2022
By: Meilou Sereno Official FB Page
Twitter | Youtube | Instagram | Tiktok
Priority po itong adbokasiya. Ang lumaban sa pamamagitan ng dasal at pagpapaliwanag sa kapwa, na fake lang ang lahat ng kwento tungkol sa Marcos gold.
Naiiyak ang isang kabataan sa message niya sa akin na madami na siyang kamag-anak na sarado na ang utak at ayaw nang maniwala na panloloko lang ang kwento ng Marcos gold. Ang kwentong ito ay bitbit ang pangako ng pamumudmod ng ginto sa bansa, lalo na sa mga supporters niya. Sa video sa baba ang screenshot ng latest sumbong sa atin tungkol sa panlilinlang ng kwentong ito.
Merong gold bars ang mga Marcos, isang maleta na binitbit nila sa Hawaii. Ang isang maleta ng gold bar ay hindi man lang 1/4 ng isang ton of metric gold. Tingnan sa video kung gaano kadami ang isang tonelada ng ginto. Galing ito sa video na
ALL THE GOLD IN THE WORLD by Junius Maltby. Tugma ang weight illustrations niya sa lahat ng credible sites on gold.
VIDEO excerpt from GMA News TV - Bawal ang Pasaway, One News, ABS-CBN News - TV Patrol, Gold Reserves in the World Education Channel
Itong kwento tungkol sa gold ay ilang dekada nang ipinapakalat ng MARCOS NETWORK. Sila ang mga supporters, promoters, strategists na nagtutulungan upang ma-ipromote ang Marcos Jr. presidency. Malaki ang pondo at daan-daang video materials na ang naipapakalat ng MARCOS NETWORK. Madami sa materials nila ay tungkol sa ginto kuno ng mga Marcos. Walang official, historical o legal na basehan ang claim na ito. Palakasan lang ng loob ng vloggers ang totoo sa mga video nila.
Naipakita ang lakas ng network na ito at ang atraksyon ng kwento ng Marcos gold nang nagtipon ang libu-libong Pilipino sa Los Baños noong September 23, 2017, kung saan naghihintay sila sa malalaking salapi na ipinangako ng coordinators nila. Tinatawag nila ang sarili na Marcos supporters. May isang portion din sa video tungkol dito at ang buong news article tungkol dito.
As early as July 1987, sinabi na ni U.S. Congressmen Jim Leach at Stephen Solarz sa U.S. Congress hearing, na con job o pangbubudol lamang ang claim ni Marcos na meron siyang 1,000 tons of gold para makautang ng USD 18-25 million sa isang Saudi Prince. May link sa post ko tungkol sa sinabi sa U.S. Congress hearing dito sa baba.
Malinaw ang pakay ni Ferdinand Marcos Sr. sa pagtangka niyang mangbudol kay Saudi prince Mohammed Al Fassi, para makautang. Doon sa kwento niya kay Messrs. Chastain at Hirschfeld, sinabi ni Ferdinand na walang alam si Imelda sa extent ng gold niya at kung saan-saan ito nakatago.
Nabuko ni Professor Winnie Monsod, na nang bubudol-budol lang si Imelda nung sinabi nitong may 7,000 metric tons na gold sila ni Marcos. Kasing taas na ito ng isang malaking gusali. Malinaw na ang pagtrato ni Imelda sa mga Pilipino ay mangmang o desperado, para itulak niya ang kahibangang ito.
Dahil sa kwentong-ginto, nalilito ang mga botante. Si Imee Marcos, nagsabi na noon na peke ang kwentong ito. Ganun din in effect ang pinahayag ni Ferdinand, Jr o Bongbong. Ngunit ang nagbe-benefit sa kwentong kutserong ito ay ang pagbabalik sa kapangyarihan ng mga Marcos. Sapagkat marami ang nagsasabing dahil dito ay gusto nilang maging pangulo muli si Ferdinand, Jr. kasi ang condition ng pag-release ng Marcos gold ay ang pag-upo niya bilang Pangulo ng Pilipinas.
Biruin niyo, ang pagpili ng Pangunahing Lingkod-Bayan ay ayon sa tagumpay ng budol-budol? Misyon ito, mga kababayan --- ang mapabulaan ang kwento ng ginto ng mga Marcos na magliligtas sa bansang Pilipinas at magpapayaman sa mga supporters niya.
Tara na. Dasal na, galaw na. Hanapin na natin ang tunay na kaginhawahan sa piling ng Diyos: makatarungan at makataong bayan na masipag. Basagin na na natin ang Budol-Budol na galing sa pekeng kwentong-ginto.
🎥 US Government owns only 8,135 metric tons of gold as of 2012.
Excerpt from the video "ALL THE GOLD IN THE WORLD" by Junius Maltby.🎥 MARCOS' PLAN TO INVADE by C-SPAN
From 19:40 time mark — Marcos' plan to overthrow the Aquino Government➡️ 1:57:32 — 2:07:00 timemark ▪️Marcos talks about his gold.
🔍
https://drive.google.com/file/d/1AVWKk0O54mvJEHAQ3IMgXqH1pqq9it61/view]Transcript of Marcos' conversation with Richard Hirschfeld about gold. 🔍
PINAGDUDAHAN SA U.S. CONGRESS HEARING NA BUDOL-BUDOL O CON JOB ANG KWENTO NI FERDINAD MARCOS, SR. TUNGKOL SA GOLD.🔍 THE MARCOS TAPES: FERDINAND MARCOS' PLAN TO INVADE THE PHILIPPINES
(Transcript of the US Congress Hearing | July 9, 1987 | US Government Printing Office, Washington)🔍
FERDINAND MARCOS' PLAN TO VIOLENTLY INVADE THE PHILIPPINESPARTIAL TRANSCRIPT OF THE US CONGRESS HEARING ON MARCOS TAPES
🔍
TRANSCRIPT OF THE CONVERSATION BETWEEN MARCOS AND CHASTAIN ABOUT ARM LIST🔍
BAKIT HINDI PINABALIK NG PILIPINAS SI MARCOS PARA HARAPIN ANG MGA KASO NIYA? — Part 1🔍
BAKIT HINDI PINABALIK SI MARCOS, SR. SA PILIPINAS PARA MAHARAP ANG MGA KASO NIYA? — Part 2NAKAKAAWA PO ANG PILIPINO KUNG MANINIWALA SA GINTO NG MGA MARCOS.
Music: Summer at Grandma's,
Musician: Raymond Grouse,
Album: Raymond Grouse,
Source