🏠 Homepage | ChannelAng Boss ng PCGG CommissionersPosted: 21 April 2022
By: Meilou Sereno Official FB Page
Twitter | Youtube | Instagram | Tiktok
Ang Pangulo ang boss ng lahat ng Commissioners ng PCGG. Siya ang nag-aappoint at nagtatanggal sa bawat isa.Ano po ang mangyayari sa PCGG kung si Ferdinand Marcos, Jr. o BBM ang maging pangulo?
Obvious po, ito po ay conflict-of-interest situation. Hindi maaaring ihabla ng mga subordinates ang boss nila o pamilya ng boss nila. Pati ang mga ongoing kaso, imbestigasyon o negosasyon ay mahihinto, at hindi na bubuksan. Kasama dito ang sinasabing PhP 125 billion na nakaw na yaman na kasalukuyang hinahabol pa.
Ang mga confidential na files ng PCGG ay maaaring mawala. Paano na po ang mga confidential arrangements ng PCGG with witnesses, whistle blowers, at mga cronies na nagsauli ng nakaw na yaman?
Ang magiging leksyon po dito ay nabale-wala ang heroic na pagkukumpisal at pagsauli sa taumbayan ng yaman na ninakaw. Ganun din po ang maraming efforts ng PCGG, volunteer lawyers at witnesses na lumaban ng ilang dekada upang maisauli ang mga assets na ipinagkait ng mga Marcos sa taumbayan.
Compatible po ba ito sa Christian goals natin sa lipunan? Na dapat ay walang nagnanakaw, na dapat ay nangungumpisal at nagsasauli ang mga may hawak ng nakaw, at dapat ay pinapalaganap natin ang honesty at repentance? Ano po ang sinasabi nito tungkol sa ating pananampalataya? May panahon pa upang pag-isipan po natin ang malalimang implikasyon ng pagsuporta natin sa pamilyang napatunayang nagnakaw ng pinakamalalaking halaga sa buong kasaysayan ng Pilipinas.
🔍Mga presidente ng Pilipinas na fully nag-agree sa pagtatag at pagpapatuloy ng lehitimong aksyon ng PCGG na habulin ang NAKAW NA YAMAN NG MGA MARCOS:
https://hub.hubzilla.de/channel/ann?mid=b64.aHR0cHM6Ly9odWIuaHViemlsbGEuZGUvaXRlbS9kMDIzMTkxMy1hOTI2LTQxMzktYjNiNS1lOTZlZjRmMmUzZTg🔍Sino ba, kundi ang pangulo, ang nag-a-appoint sa lahat ng PCGG Commissioners na kailangan pang bawiin ang more than P125 billion na Marcos ill-gotten wealth? Sino ba ang magre-represent sa PCGG at Republic sa ganyang pagbawi ng ill-gotten wealth kundi ang Solicitor General na ia-appoint ng presidente? Sino ba ang mag-a-appoint sa lahat ng vacancies sa Sandiganbayan at Supreme Court na magde-decide ng Marcos ill-gotten wealth cases, hindi ba't ang susunod na presidente?
https://hub.hubzilla.de/channel/ann?mid=b64.aHR0cHM6Ly9odWIuaHViemlsbGEuZGUvaXRlbS9mNWYzMDgzOS1kN2Q4LTRmMmEtOTVjNC1hNzY4ZmY4NTU3ZTU🔍SI FERDINAND "BONGBONG" MARCOS, JR. ANG PRINCIPAL DEFENDANT NG ILL-GOTTEN WEALTH NG KANILANG PAMILYA.
https://hub.hubzilla.de/channel/ann?mid=b64.aHR0cHM6Ly9odWIuaHViemlsbGEuZGUvaXRlbS9hYmIwZTU3MC02MmFkLTRhOGItOWZjZS1jOGE0ODg1M2NiZWY🎥
https://hub.hubzilla.de/channel/ann?mid=b64.aHR0cHM6Ly9odWIuaHViemlsbGEuZGUvaXRlbS9hYTUyNmFmMC03YjhlLTQ4NzYtYThhMS03ZTY2OTY1YzMxNjI🔍SI BONGBONG MARCOS, AT ANG KANYANG INA AT MGA KAPATID ANG TAGAPAGMANA AT NAKIKINABANG SA NINAKAW NI FERDINAND MARCOS, SR. MULA SA YAMAN NA PARA SA MGA PILIPINO.
https://hub.hubzilla.de/channel/ann?mid=b64.aHR0cHM6Ly9odWIuaHViemlsbGEuZGUvaXRlbS9mOWNjZDU2OS01ZDM5LTQ1YWEtODhkMS02ZjI4YjRhYjNkYzQ🔍QUICK GUIDE PARA ITAMA ANG FAKE NEWS NA WALA DAW NAKAW NA YAMAN ANG MGA MARCOS:
https://hub.hubzilla.de/channel/ann?mid=b64.aHR0cHM6Ly9odWIuaHViemlsbGEuZGUvaXRlbS9kODg3MWZiYy00NjVmLTQ0ZGQtOTAzOS03NmNjNjMyYWIwYjE#
PiliinAngTamaParasaBansa#
PiliinNatinAngPilipinas#
IntegralFaith#
TugmaLahat