Posted: 25 March 2022
Artikel ansehen
Zusammenfassung ansehen
Meron pong nagpapakalat ng criminally libelous post. Ang suot ko daw na kwintas ay ninakaw ko mula sa koleksyon ni Imelda na hawak ng PCGG. Ang mga koleksyon pong iyan ay nasa Bangko Sentral ng Pilipinas at walang sinumang maaaring gumamit nito.
Ang kwintas ko po ay costume jewelry, na regalo ng nanay ko noong early 2000's. Binili niya po ito sa isang department store sa Daly City, California. (See the photo below with the arrow pointing to the medyo-kupas na costume jewelry).
Kung nais niyo pong makita ang koleksyon ng alahas ni Imelda na nakumpiska ng PCGG at naipatago sa Bangko Sentral ng Pilipinas, buksan niyo po ang links sa baba.
In the meantime, hinihintay po natin ang requested fact-checking ni Mr. BBM sa mga facts na linked sa maraming authorities sa ating page. Walang fake news dito, di po ba?
Krimen po ang pagpapakalat ng post na ikinikwento ko dito. Habang pinag-iisipan ko pa kung ano'ng gagawin ko sa kababayan nating nagpapakalat nito, paki-pm po sa akin ang address niya at gayun din ng iba pang nagpapakalat nito, please huwag po sa comments section. Para mayroon pong mapapadalhan ng legal papers, sakaling magpasya akong iyun ang gawin. Salamat po.
🔍 PCGG LAUNCHES VIRTUAL JEWELRY EXHIBIT | March 16, 2016
https://pcgg.gov.ph/pcgg-launches-virtual-jewelry-exhibit/🔍 PCGG launches virtual exhibit of Marcos’ jewels | March 31, 2016
https://www.officialgazette.gov.ph/2016/03/31/pcgg-virtual-exhibit-marcos-jewels/🔍 PINABENTA NI DUTERTE ANG MGA ALAHAS NI IMELDA NA NAPATUNAYANG NAKAW NA YAMAN:
https://hub.hubzilla.de/channel/ann?mid=b64.aHR0cHM6Ly9odWIuaHViemlsbGEuZGUvaXRlbS80YTA1NjlhNy01ZGE3LTQzMGYtYmI4Ni0yNjg3M2MyNmU4ZGU