🏠 Homepage | ChannelChristian Public EthicsPosted: 30 April 2022
By: Meilou Sereno Official FB Page
Twitter | Youtube | Instagram | Tiktok
Ang Call sa Church sa Pagtatanghal at Pagtatatag ng Christian Public EthicsNapakasipag nating magturo ng
Ten Commandments, ngunit hanggang panloob na aplikasyon lamang sa personal na buhay ng mga miyembro ng parokya o fellowship natin. “Huwag kukupit ni isang coupon bond sa opisina!” ang paalala natin sa kapatiran.
Parang may sobrang mali, na ang pinapansin natin ay mga ganoong pribado at maliliit na bagay, ngunit okay lang sa atin ang bilyon-bilyones na pagnanakaw sa pamahalaan! Kahit sino pong observer, sasabihin, may malaking “damaged culture” o “inauthentic faith” ang mga Pilipino. Parang yung sinasabi ni Hesus na hindi Niya kilala ang workers of wickedness kahit pa tumatawag sila sa pangalan Niya. Iyun po ang maaaring malapit na description sa mga nag-iidolo pa rin sa mga magnanakaw sa gobyerno.
At paano po tayo nagiging workers of wickedness sa pagsuporta sa mga magnanakaw sa gobyerno? By calling evil good, at good as evil. Iyun ay condemned sa
Isaiah 5:20. Ibig sabihin, sa isang naniniwala sa Diyos, ang masama ay masama, at hindi pinapalusot na okay lang ito.
Iyung pagtanghal sa mga pulitikong bilyon-bilyon ang ninakaw ay pagtawag ng kasamaan bilang kabutihan. At pag tinatawag na “rebelde” ang mga tao na humihingi ng pagtatapat o accountability sa mga opisyales, ay pagtawag sa kabutihang ginagawa nila, bilang kasamaan. Remember po, sa
Isaiah 1:17,
TO DO GOOD IS TO DO JUSTICE, and TO REBUKE THE OPPRESSOR! Ibig sabihin, when you call as evil those who are asking for accountability in government, you are participating in the works of wickedness. Obvious po, diba? Nananawagan na nga ang mabubuting miyembro ng simbahan na ibalik sa bayan ang nakaw na yaman, pinipigilan niyo pa?
Sinasabi po natin na Jesus came to redeem all of life (
Romans 8:20-22). At inuulit pa natin ang Great Commission Niya to disciple all nations in His teachings (
Matthew 28:19).
Kung ang lahat ng aspeto ng buhay ay ire-redeem ni Jesus, at ang discipleship ay sa buong bansa, eh di dapat ang simbahan ay ituro kung paano mamuhay ayon sa teachings ni Jesus ang pamahalaan. Bakit po natin hindi i-apply ang lahat ng ethical teachings natin sa mga nanunungkulan sa gobyerno? Wala dapat ni isang magnakaw. At ang magnanakaw, huwag iboboto. At iyung humahawak ng nakaw na yaman, dapat isauli ito kasi hindi naman sa kanila iyon, kundi sa taumbayan.
Tingnan niyo po ang maaaring magandang mangyayari. Hindi na tayo parang may schizophrenia o mala-halimaw na dalawang personalidad. Magkakaroon na tayo ng integridad at hindi gaya ngayon na nagdududa ang mga tao kung Kristyano nga ang maraming Pilipino.
Kailangan po, na ang lahat ng nagsasabing nagpapasakop sila kay Kristo ay manguna sa pagtatag ng standards, parang dekalogo ni Andres Bonifacio kumbaga, ng Christian Public Ethics. At dapat ito masimulang maituro sa ating mga tahanan, simbahan at sa mga paaralang bukas dito. Habulin natin ang kakulangan natin. Punuin po natin ang kauhawan ng bayan para sa integridad sa pamahalaan.