Posted: 31 May 2022
Artikel ansehen
Zusammenfassung ansehen
Isang Ambag po Natin: Paalalahanan ang mga Kumandidato na Sumunod sa Election Laws
Hindi lamang po paghahanda sa panunugkulan simula sa June 30, 2022 ang dapat ginagampanan na ngayon. Naiproklama man o hindi, panalo man o natalo, dapat mag-file ng SOCE ang libu-libong nagkandidato sa electoral position.
Ang SOCE ang Statement of Contribution and Expenditures. Seven (7) days before the elections, a first SOCE must be filed. Thirty (30) days after the elections, a supplemental SOCE must be filed. These two deadlines are set by Section 107 of the Omnibus Election Code (Batas Pambansa 881, 1985).
Siguradong maraming katanungan ang ating mga kababayan. Ilan lamang ang mga ito:
Ang pagpapatakbo ba ng isang propaganda machine ng ilang taon ay kasama sa mga “expenditures” na dapat i-report? Note po: Ang definition ng “contributions and expenditures” ay nasa Section 94 ng parehong batas.
Ano ang kakayahan ng COMELEC na ipatupad ang Section 107 ng BP 881? Bakit parang walang ngipin ang batas na ito? Paano natutukoy kung merong foreign funding ang isang kandidato na pinagbabawal sa Section 95 at 96?
Makatotohanan o realistic ba ang per voter expenditure cap ng batas sa Section 100 as amended from time to time? Pakitulungan po ako, ilagay niyo dito sa comment ang latest spending cap. Gusto ko pong sigurado ang ilalagay ko sa article na ito, so pakitulungan ang ating community na maging accurate.
Magandang simulan ng taumbayan ang diskusyon dito para hindi tayo last-minute nag-eeducate ng sarili natin tungkol sa election laws. Kasama po ito sa katungkulan ng pagiging good citizen.
Salamat po.
https://comelec.gov.ph/index.html?r=CampaignFinance%2FSOCE#:~:text=The%20legal%20basis%20for%20requiring,Section%20262%20of%20the%20OEC.



