🏠 Homepage | ChannelSanhi ng Split-level ChristianityPosted: 30 May 2022
By: Meilou Sereno Official FB Page
Twitter | Youtube | Instagram | Tiktok
ANO ANG MGA SANHI NG SPLIT-LEVEL CHRISTIANITY?
Sabi ng iba, sobra daw ang pag-spiritualize natin ng mga bagay-bagay. Ibig sabihin, lutang ang pagpapakita ng ating pananampalataya at doon lang sa larangan ng alapaap natin dinadala. Ang tingin ko po, ang split-level Christianity ay nangyayari kung ang pagbasa natin ng Scripture ay ayon lang sa kung ano ang comfortable sa atin.
Halimbawa po, napaka-dominant ang theme ng katarungan sa Bible. Paulit-ulit po ang utos ng Diyos to do justice. Ang character ng Diyos ay God of Justice, dispenser of justice, lover of justice at hater of injustice. Napakalakas ng utos ng Bibliya to do justice, kaya’t sa Isaiah 1:17, doing good is doing justice. Hindi maaaring sabihing mabuti kang tao kung hindi ka makatarungan.
Ngunit hindi man lang pinag-uusapan ang justice sa mga simbahan, lalo na sa mga fellowships o churches na submission to government ang ine-emphasize. At kung mayroong nagbubukas ng topic, ang sagot ng leader ay “ipag-pray na lang natin.” At end of the conversation about justice na po iyon usually. Hindi po iyon ang sinasabi ng Isaiah 1:17. At lalong hindi po iyon ang sinasabi ni Hesus. Sa Matthew 23:23, condemned Niya ang religious leaders na nag-iimplement ng strict rules on tithing nguni’t hindi binibigyan ng hustisya ang kapwa. Ano po ang sabi ni Hesus?
“Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites! For you pay tithe of mint and anise and cummin, and have neglected the weightier matters of the law: justice and mercy and faith. These you ought to have done, without leaving the others undone.”
Ang hustisya ay dapat na pinag-uusapan sa simbahan at bible studies, ipinagdarasal, pina-practice at ipinaglalaban. Iyan ang madiin na turo sa atin ni Hesus. At ang nagpapalakas sa kalaban ng katarungan ay kumakalaban sa Diyos.
[/url]