PANOORIN PO NIYO ANG OFFICIAL DOCUMENTARY NG DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE: BAKIT TUMALIKOD ANG MILITARY AT PINATALSIK SI MARCOS
Posted: 25 January 2022
By: Meilou Sereno Official FB Page
Umabot sa 80% ng military forces ang tumalikod sa rehimeng Marcos, isang dahilan kaya siya napatalsik noong 1986. Nag-strafing pa nga ang helicopter gunships na nag-alyado sa mga military rebels sa premises ng Malacañang upang ipakita ang kanilang pag-about face sa kaniya. Sumumpa si Juan Ponce Enrile bilang Secretary of National Defense at si Fidel Ramos bilang Chief of Staff ng AFP ni Cory Aquino noong February 25, 1986. Ayon kay Enrile, sila ang nagdesisyon na si Cory ang gawing pangulo. Ito at marami pang detalye ang nakapaloob sa kwento ng EDSA People Power, ayon kay Enrile, Ramos, Col. Gringo Honasan, Col. Red Kapunan, Navy Captain Alex Palma, Col. Rex Robles at marami pang military personalities. Itong video ay ginawa ng DND noong circa 2013-2014. Bagama't bitin ang kwento ukol sa role ng milyon-milyong Pilipino sa pagpapatalsik sa mga Marcos, useful itong video for the candid assessments ng personalities dito tungkol kay Marcos at sa miracle ni God sa EDSA.
8 or 9 years ago lang ito produced, Senate President si Enrile at ganadong-ganado siyang ipagmalaki na ang 4-day military rebellion na pinangunahan niya at ni Honasan, ay pagtalikod sa pandaraya sa eleksyon at pagmamalabis sa kapangyarihan ni Pangulong Marcos. In the past several years, binabaligtad ni Enrile ang maraming important points na sinabi niya publicly from 1986-2014. For 18 long years, act of loyalty to the people ang EDSA People Power ayon kay Enrile. At yun naman din ang madiin na sinasabi paulit-ulit ni then Gen. Fidel Ramos. Ano ang nangyari at ang 18-year story ni Enrile ay bigla niyang binabaligtad ngayon? Naalala kaya ni Marcos Jr. sa one-on-one video talk niya with Enrile, ang public kwento ni Honasan, right hand man of Enrile, na si Honasan ang in-charge sa pag-assault sa First Family, at handa siyang i-assassinate sila? Bakit parang naging bff si Enrile at Marcos Jr. ngayon?
Noong June 5, 2014, na-charge ng Ombudsman si Enrile ng plunder, kasama ng kaniyang Chief of Staff na si Gigi Gonzales Reyes. Ang charge sa kaniya ay ang pangungulimbat ng PDAF sa halagang PhP 172 million. Nasabi na ni Enrile na gusto niyang ma-dismiss ang kasong ito bago siya mamatay. Nakakulong pa rin si Gigi Gonzales samantalang pinalaya on bail si Enrile noong 2015: ayon sa desisyon ng mayorya ng Korte Suprema, ito ay dahil sa humanitarian consideration. Magiging 98 years old na si Enrile ngayong Pebrero 14.
From: Virgilio Paulo AlconeraCrude disinformation
"The alignment of Filipino political forces with shifting US foreign policy was particularly noted. As the US moved toward globalism, Marcos insisted upon following a nationalist trajectory of development prioritizing industrialization and self-sufficiency in food and energy.
"There is overwhelming evidence that his removal was directed from Washington." -- Dr. Rey Ileto, "The Philippines presidential elections: A story of duelling legacies"
Rigoberto Tiglao, a columnist of the Manila Times, considers Dr. Rey ileto a "top historian'. However, i find Dr. Ileto's theory that President Ferdinand Marcos was a victim of the US thrust for globalization as outlandish. I consider it crude disinformation. He claims that "There is overwhelming evidence thatchis (Marcos') removal was directed from Washington." Where is the overwhelming evidence?
As the narration of facts in the attached video will show, the February People Power Revolution was homegrown--without the participation of any foreign power.
In the truth, the Revolution was caused by the degeneration of the Marcos martial law "bagong lipunan" to "bahong lipunan" and triggered by the assassination of Ninoy Aquino. I should know. I was already 24 years old when Ferdinand Marcos declared martial law.