MERON PO TAYONG KAKANYAHAN, SARILING EXPERIENCES, TALENTO AT BIYAYA, MAY ORIGINALITY NA MAAARING GAMITIN UPANG UMANGAT ANG BAYAN
By Maria Lourdes Sereno
Hindi po natin kailangang kumopya ng galaw sa ibang bayan. Hubarin po natin ang bumabalot sa ating isipan na kailangan tayong magtunog, magmukha o mag-amoy Hollywood, Korean telenovela, o kaya ay maging sing-tunog ng pulpito ng mga Amerikano, upang maging “kwela” o “patok.”
Kaya po ng Pilipino na mag-isip ng paraang orihinal o angkop sa kanila.
Noon pong ako ay estudyante sa UP College of Law, nagsulat po ako ng isang artikulo na ang pamagat ay “The Interface between National Land Law and Kalinga Indigeous Law.” Doon ay sinalansan namin ng kaklaseng Roan Libarios ang pagiging mas angkop ng sistemang katutubo ng mga Kalinga sa pag-aallocate ng ibat ibang klaseng kalupaan sa komunidad nito kaysa sistemang Torrens titling. Kasi ang mga katutubong Kalinga, kinikilala ang communal farming at pasture lands na sama-samang binubungkal, ang family plot na malapit sa family home at madaling pagtaniman ng kinakailangang gulay o paglagakan ng domestic at household animals, at ang mismong family home. Ang demarkasyon ay ang mga natural boundaries gaya ng batis, kagubatan at mga pangunahing geological o terrestrial landmarks. In contrast, ang sistemang Torrens na ayon lang sa mga derederetsong imaginary lines sa lupa na kuha sa mga instrumento, ay walang kinalaman sa contour o use sa tao o komunidad ng lupang sinusukat.
30 years later, at nung Chief Justice na ako, ay pinag-aralan ko ang posibilidad na ang mga salaysay sa korte ay ilahad sa sariling wika ng mga testigo. Ito ay upang maiwasan ang parang “artipisyal” na pagsasa-Ingles ng mga salaysay ng mga testigo na kadalasan namang napaka-awkward kasi hindi native speakers ng Ingles ang mga court translators. Marami pang bad grammar na masisilayan sa mga transcript of stenographic notes.
Dalawang obserbasyon lang ito na indikasyon na mukhang dapat maghanap ng angkop na pamamaraan o sistema ang mga Pilipino sa pangangailangan ng kanilang lipunan. Halimbawa, sa sitwasyon ng upland Kalingas, mas angkop at makatarungan ang indigenous land-allocation system nila. Sa sitwasyon ng court proceedings, obvious na dapat hanapin ang mas respectful at accurate na sistema sa pag-record ng salaysay ng mga court witnesses.
Ganun din dapat sa mga katuruan sa ating mga simbahan. Paano tayo makakapagbigay ng thanksgiving as a nation kay Lord kung hindi naituturo sa ating mga churches, eskwelahan at libro ang mga experiences, giftings at talent ng mga Pilipino? Hindi nga nai-didiscuss na we should be rightly proud about how Filipinos throughout our recorded history, always wanted their identity recognized, hindi lamang sa art at music natin, kundi pati sa lahat ng ating revolutionary struggles.
Mahalaga ito sapagkat kailangang aware tayo na ang mga notions ng anumang mananakop ay intent sa pag-subjugate ng sinasakupan. At iyon ang mga pwersa na dumadagdag sa hindi-pagkakaintindihan ng mga Pilipino.
Kaya kailangang magkaroon talaga ang mga theologians, kaparian, kapastoran ng strong desire for a theology na mas kayang tugunan ang sitwasyon ng mga Pilipino. Gaya nga ng dati ko nang nasabi sa isang post, ang Amerikanong believer ay busog at may bubong na nasisilungan. At sa pangkalahataan, functioning ang justice system nila. Kaya hindi mo maririnig ang usapin ng hustisya gaano sa kanilang diskurso. Malayo naman ang kondisyon ng mga Pilipino diyan.
Kung ang pagpapakilala ni Hesus sa sarili Niya sa Luke 4:18, ay sinugo Siya upang ma-proclaim ang “good news to the poor,” dapat nating tanungin, paano ba nagiging mabuti ang isang balita para sa naghihirap sa kadukhaan sa Pilipinas? Sapat na ba ang sabihing dadalhin sila sa langit dahil sa paniniwala kay Hesus? Parang may kulang, ano po?
Sabi sa James 2:15-16: “If a brother or sister is naked and destitute of daily food, and one of you says to them, ‘Depart in peace, be warmed and filled,’ but you do not give them the things that are needed for the body, what does it profit? Thus also faith by itself, if it does not have works, is dead.”
Dahil masidhing kahirapan ang isang nakakapilay na problema sa Pilipinas, nararapat tukuyin ng mga simbahan, kung paano ito maibsan. Malinaw sa mga pag-aaral na at least 20% at maaaring umabot sa 40% ng national budget ay napupunta sa corruption. Iyong perang nawawala, dapat hanapin, at pigilan ang mga mawawala pa. Ito ay perang magiging part ng mabuting balita para sa mga naghihirap nating kababayan pagkat pupunta ito sa food, medical at educational na pag-angat sa kanila.
Hindi mo maririnig ang ganitong concerns ukol sa budget at poverty sa American churches kasi hindi present ang ganung level ng poverty at corruption sa kanila. Ngunit ang ganitong issues ang realidad sa Pilipinas na nagtutulak sa marami sa krimen at pagbebenta ng sarili kasama na ng kanilang mga anak. Nakabibiyak ng puso na problema ng survival ang kaharap ng Pilipino.
Maganda pong ipakita ng mga Kristyano na we are ready to take up our crosses and die daily. Bitbitin po natin as the Body of Christ ang paghanap ng paraan upang ipakita na hahanapan natin ng solusyon ang problema ng Pilipinong pamilya, na masidhing dumadaan sa kahirapan at iba pang klase ng kagipitan. Kasi, ganoon din ang approach ni Kristo - yung pinakamatitinding condemnation Niya ay para sa mga nagtuturo ng relihyon na hindi naman tumutulong para pagaanin ang pasanin ng mga naghihirap (Matthew 23). Worse, sila pa aniya ni Hesus, ang nagtutulak sa mga mananampalataya away from God.
Ano po ang mas mabigat sa puso ni Hesus? Sabi Niya: “Woe to you scribes and Pharisees, hypocrites! For you tithe mint, dill, and cummin, and have neglected the weightier matters of the law: justice and mercy and faith” (Matthew 23:23).
So ang weightier matter sa churches sa Pilipinas, na dapat pagtuunan ng pansin ayon kay Kristo, ay Justice, Mercy and Faith, in the context of a nation where there is so much poverty and corruption. At hindi tayo dapat malula sa laki ng problema, sapagkat naririyan at palagi nga nating kasama si Kristo habang tinuturo natin ang mga katuruan Niya. Alalahanin ang pangako Niya: “(T)eaching them (the nations) to obey everything that I have commanded you. And remember, I am with you always, to the end of the age” (Matthew 28:20).
