🏠 Homepage | ChannelPahayag sa Araw ng KalayaanPosted: 12 June 2020
By: Meilou Sereno Official FB Page
Twitter | Youtube | Instagram | Tiktok
Ang demokrasya ay ipinupunla, dinidiligan at ipinagdarasal. Hindi ito isang regalo na natatanggap sa birthday, kundi parang anak na inaaruga hanggang magkaroon ng sariling kalakasan. Ngayong araw, ang mga nangyayari sa ating paligid, gaya ng “citizens’ sounds of free expression” na naririnig ngayon, ay patunay na sama-samang dinidiligan natin ang pinunlang demokrasya ng ating mga ninuno noong sila’y nag-aklas sa mapang-aliping mga Kastila noon pang nakaraang 120 years.
Hindi biglaan ang pagtatag ng demokrasya. Tinuruan tayong lagi na lang umasa sa limos ng patron, at ipinatong lamang ang mga konsepto sa lipunang marami pang mga komunidad na hindi naririnig ang sarili nilang boses. Mahaba at matiyagang laban ang kailangan pa nating tahakin. Ang kailangan, hindi tayo bibitiw sa pangarap na balang araw, lalaya rin ang ating bayan sa mga mapang-alipin.
Kaya’t hinihikayat ko ang lahat, lalo na ang mga kabataan, na tuloy-tuloy nating ipaglaban ang karapatan ng mga mamamayan na maging tunay na “sovereign Filipino people” ayun sa ating Constitution, at dinudulog natin muli sa “Almighty God” ang tulong Niya upang tayo nga ay makapaglimbag ng “just and humane society.”
Harinawa’y basbasan tayo ng Poong Maykapal ng mga matatapang pang hakbangin upang tunay na maging malaya. Mabuhay ang Pilipinas!