🏠 Homepage | ChannelFixing Our Eyes on the Vision of JesusPosted: 30 January 2022
By: Meilou Sereno Official FB Page
Twitter | Youtube | Instagram | Tiktok
Fixing Our Eyes on the Vision of Jesus for Our Nation Prevents Compromise by the ChurchI have often wondered why many Filipino Christians, especially my fellow members of evangelical church traditions, stopped dreaming of the seemingly impossible. Hindi po ba, kapag willing sila na mag-compromise sa mga politically powerful personalities, they have stopped dreaming of living out the Kingdom of God here on earth? Ngunit lagi naman nilang pini-preach yung “For lack of a vision, My people perish” (Proverbs 29:18).
Sa maraming Bible commentaries, ang pagpapaliwanag diyan sa Proverbs 29:18 ay ang kakulangan ng tamang katuruan ng Salita ng Diyos. Ang “lack of vision” ay ang kakulangan ng pag-uusap tungkol sa ating ultimate future. Ang future na ito ay ang pag-fully reveal ng Kingdom of God when Jesus comes a second time as King of kings, and Lord of lords. In the meantime, dahil sa vision na iyon, malinaw ang instruction sa atin ni Jesus kung paano mag-pray at mag-act. Hihingin natin sa Diyos Ama na “Your kingdom come, Your will be done on earth as it is in heaven” (Matthew 6:9-10). Ibig sabihin, kung gaano ang katotohanan at katarungan ay ina-uphold sa kalangitan ay ganun din ang pagpupunyagi ng mga followers ni Jesus para lumaganap ang mga kingdom values na ito sa Pilipinas.
Dahil sa kapos ang pananaw sa Kingdom of God, na ang mga characteristics nito ay dapat nakikita sa bawat aspeto ng buhay at lipunan ngayon pa lang, nagkompromiso ang maraming Kristyano. Pinalitan ang Kingdom Values ng palakasan sa malalakas na pulitiko:
“O, si ganun ang anointed ni Lord, napanaginipan ko.”Kapag tatanungin mo naman kung nasukat na nila ang kanilang isinusulong ayon sa Bibliya, sasabihin sa iyo:“Basta. Respect na lang. Nakita ko siya sa aking panaginip. Ni-reveal siya sa akin ni Lord as God’s chosen one (kahit na bagsak at salungat pa sa standards of godly leaders ng Bible ang taong iyon).”Lahat po itong mga kababanggit ko lang na statements ay walang basehan at salungat sa sinasabi ng Bibliya. Kung may guide na po ang Bible sa atin ng ating pagpili ng servant leaders, bakit ipinagpipilitan ang human whim at itinutulak pa sa mga miyembro? Wala pong kinaibahan ito sa galaw ng mga kulto.
Bakit po kaya ganito samantalang parang born-again naman sila magsalita? Baka po hindi na nila minimithi ang pagpapakita ng presensya ng Kingdom of God dito sa Pilipinas. Iniisip po nila marahil na basta magparami lang ng masunuring miyembro, ok na sila. Ngunit ang tagubilin po sa atin ni Jesus ay mag-persist sa paniniwala na ang mga pinahahalagahan ng Diyos — gaya ng “justice, mercy at faith” ng Matthew 23:23 — ay maaaring maatim sa bayan kung maniniwala lang ang mga followers ni Jesus na seryoso at tutuparin ni Jesus lahat ng sinasabi Niyang dapat mangyari sa lupa. Inaanyayahan ang lahat ng naniniwala kay Jesus to have as their vision the presence of things that are weighty in God’s heart: justice and mercy and faith.
Dahil hindi sineryoso ng church ang instructions ni Jesus, kaya siguro maraming nalilinlang, kasama na ang mga pastor. Sa mga mananampalataya na ayaw nang magpalinlang, malinaw na ang responsibilidad ay hindi lamang sa church leaders natin na nagliligaw sa atin, ngunit meron din tayong personal choices: to fight for the Kingdom of God as instructed to us by Jesus, o manahimik at pumayag na manatiling mga tupang ligaw. Sabi ni Jesus sa mga susunod faithfully sa Kaniya: “Lo, I will be with you unto the end of the age” (Matthew 28:20).