Posted: 03 April 2022
Artikel ansehen
Zusammenfassung ansehen
Sa socmed campaign ng pamilyang simbolo ng pandarambong, ginawang built-in ang pa-victim o paawa effect. Kaya’t totoong nagsawa na ang ibang mga na-bombard ng fake pa-victim videos sa mga paglalahad tungkol sa pang-aabuso ng mga Marcos.
Until they meet a human rights victim face-to-face or until they realize how much their families could have been helped by what the Marcoses stole—then the realization sinks in.
Kaya’t pagtiyagaan po natin. Kung may wall of resistance na naitatag sa decades-long fake news na victim pa nga ang mga Marcos, kaya po iyang mabuwag ng truth tungkol sa real-life impact ng misrule nila. Kung paano nila trinato ang kapwa. Kung paano sila lang ang espesyal na pamilyang hindi nasasaklawan ng anumang batas.
Humingi na po ba ng forgiveness si Imee Marcos sa pamilya ni Archimedes Trajano? Humingi na ba si Imelda ng kapatawaran sa mga construction workers na nalibing nang buhay sa Manila Film Center? At gayun din sa mahigit 200 resident families na pinalayas niya sa Calauit Island sa Palawan para magka-lugar ang inimport nila na African animals? Humingi na ba ng tawad si Bongbong Marcos sa mga 2,000 human rights victims na tinakasan niyang bayaran nang hindi sundin ang na utos ni Judge Real ng Hawaii na i-compensate sa pagkakapatay, pag-torture at iba pang pag-aabuso sa kanila? Humingi na ba ng tawad ang buong pamilya sa napatunayan na ninakaw ng magulang nila mula sa taumbayan na hindi bababa sa PhP 174 billion? Humingi na ba sila ng tawad sa kagutuman ng Negros Island farmers dahil sa sugar monopoly at sa mga coconut farmers na ginatasan ni Marcos at ng mga cronies niya?
Ikaw ba ay isa dito? Kung hindi, bakit ka nangungutya sa iba na mag-move on na, hindi mo naman pala naranasan ang pang-aabusong naranasan nila mula sa pamilya Marcos? Ikaw ba ay isang Kristiyano? O kung ganoon, bakit hindi ka nangunguna na sabihing gayahin ng mga Marcos si Zaccheus na nagsauli ng ninakaw niya? Bakit ka kumakampi at naging tagapagtanggol pa ng pagnanakaw at pang-aabuso ng pamilya Marcos?
#
PiliinAngTamaParasaBansa#
TaumbayanNamanQUICK GUIDE PARA ITUWID ANG FAKE NEWS NA WALA DAW NAKAW NA YAMAN ANG MGA MARCOS:
https://hub.hubzilla.de/channel/ann?mid=b64.aHR0cHM6Ly9odWIuaHViemlsbGEuZGUvaXRlbS9kODg3MWZiYy00NjVmLTQ0ZGQtOTAzOS03NmNjNjMyYWIwYjE