Posted: 29 March 2022
Artikel ansehen
Zusammenfassung ansehen
Malinaw sa Akin ang Mga Ito sa Socmed Experiences Ko
▪️Una, uhaw ang mga kababayan natin sa katotohanan.
▪️Pangalawa, kailangang ipaliwanag ang pagkakaugnay ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa mga institusyon ng gobyerno.
▪️Pangatlo, na mabubuting values ang totoong nais na makita ng mga Pilipino sa lipunan.
▪️Pang-apat, na ang pakikipaglaban para sa katotohanan at katarungan ay para sa kinabukasan ng ating mga anak at apo.
▪️Panlima, uhaw ang napakarami na marinig sa paraang nangungusap sa kaibuturan ng pagkatao nila na ang Diyos ay buhay, Siya ay Diyos ng Katarungan at Pag-ibig, at nais Niyang makita ang Pilipinas na isang kaaya-ayang bansa.
▪️Pang-anim, dahil ang Diyos natin ay buhay at nais ng mabuting kinabukasan para sa atin, walang dapat ikatakot ni konti sa bashers, trolls at socmed influencers ng masasamang pwersa. Harapin, labanan at pagtagumpayan ang mga panlalason nila sa puso at isip ng mga kababayan natin.
Laban lang po tayong lahat. Wala pong atrasan sa laban na ito.