Posted: 16 May 2022
Artikel ansehen
Zusammenfassung ansehen
SAGOT SA RITA GADDI VIDEO TUNGKOL SA 5 SWISS ACCOUNTS, MULA SA SANDIGANBAYAN DECISION
May mga nagre-request sa akin, paliwanagan ko daw sila tungkol sa Swiss Foundations. Kasi paano daw magiging nakaw yun eh according to Marcos supporters, na-establish ang mga yun before Marcos became president in 1965. Si Rita Gadi daw po yun sa Youtube ang nagpapakalat.
At may nagsabi, na kumakalat din daw na hindi naman sila G. at Gng. Marcos si William Saunders at Jane Ryans.
Mga bagets at hindi bagets, andami kong ibang ginagawa, pero bigyan ko kayo ng mga leads, ha? Tips ito kung paano mag legal research.
Eto ang phone screenshots sa laptop ko ng Sandiganbayan decision, front page and page 20. I got the official source online. Ok ring gayahin nyo.
Go to the Sandiganbayan website, look for “decisions” under “adjudication.” Go to year 2018. Go to November. Scroll down the cases. Sa bandang baba, andun yung Criminal Cases 17287, etc. People v. Marcos. Open the link, graphic image itong file ng decision of conviction ni Imelda Marcos for 7 counts of graft.
Go to pages 20, 21, 22, 24, 25, 26. Andun described ang years ng opening of the Swiss accounts. President na nun si Marcos. Hindi yan tinaggi ni Mrs. Marcos:
Trinidad Foundation - 1970 (page 20)
Rayby Foundation - 1973 (page 21)
Palmy Foundation - 1981 (page 22)
Azio Foundation - 1971 (pages 24-25)
Opening of William Saunders and Jane Ryan accounts, pseudonyms of Ferdinand and Imelda Marcos in 1968 (page 26).
Ini-screenshot ko para alam nyong maraming info yan at mag-enjoy kayong mag-hunt ng facts. Kayo na mag-screenshot at magpakalat ng ibang pages.
So yung A’s sa Q’s niyo: Yes, Mr and Mrs Marcos were opening secret accounts in Switzerland, when they were already President and First Lady. Yes, those accounts have been forfeited to government. Yes, they have gone to farmer-beneficiaries of CARP, to some human rights victims, and to the Coconut Levy Trust Fund.
Friends, kayo na mag-share nung Supreme Court decisions (yung 2003 is the Swiss Accounts decision) at yung PCGG Reports ha? Nasa posts na natin yan. Source yan ng answers dun sa iba pang paulit-ulit na tanong. Go ahead and share this post freely.
May good soul sa comments section, pinadala na yung link sa Sandiganbayan conviction ni Imelda. Naaawa sa bagets at non-bagets. Ito, o:
https://sb.judiciary.gov.ph/DECISIONS/2018/K_Crim_17287-17291,%2019225%20&%2022867-22870_People%20vs%20Marcos_11_09_2018.pdf
