🏠 HomepageMga Pilipino na Kumakampi sa Justification ng Russia sa invasion nito ng Ukraine, mag-isip-isip po kayo
Posted: 01 March 2022
By: Meilou Sereno Official FB Page | Twitter | Youtube | Instagram | Tiktok
Sa speech ni Putin, ginamit niyang justification sa invasion niya ng Ukraine ang kanyang claim, na kung hindi dahil kay Vladimir Lenin, ang nagtatag ng Union of Soviet Socialist Republic, ay walang Ukraine.
Kung ganito po ang logic nila, ang implikasyon nito ay may legal justification ang United States, na dating mananakop na nagbigay ng pormal na kalayaan, kung gusto nilang i-annex ang Pilipinas. At hindi mahalaga ang kagustuhan ng mga Pilipino na magkaroon ng kalayaan at sariling bayan. Na hindi mahalaga ang ating aspiration for the longest time since our rebellion against Spanish colonizers, to have a country we can call our own.
Isip-isipin niyo po, increasingly condemned na ang ginagawa ni Putin universally, pati ng Philippine government.
May official report na po ang META, ang owner ng Facebook, na sobra ang spike ng pro-Putin activities sa socmed. Bagamat hindi pa gaanong nakakapamayagpag ang mga ito, pinutol kagad ng Facebook ang activities nila.
At merong isang site na nagsasabing nata-track nila ang conversations sa socmed at number one daw ang Pilipino netizens sa pag-support kay Putin. Hinihintay ko lang po ang confirmation nitong last claim na ito bago ko kayo bigyan ng screenshot ng assertion na ito. Nakikita naman po natin na dumarami ang socmed posts sa Pilipinas na parang spokespersons ni Putin. Very artificial po ang pagsawsaw ng mga Pilipino netizens sa pagsupport kay Putin. Scripted at halatang hindi nila sarili ang research.
Ibig sabihin po, kinakasangkapan tayo ng mga interes na sinusuportahan si Putin, sa isang paraan na labag sa ating values bilang mga Pilipino na mapagmahal sa national independence.
Malalim po ang implikasyon nito sa Filipino psyche. Ipag-ibayo po natin ng ating panalangin at aksyon para sa malayang Pilipinas.
Powered by
| 