🏠 Homepage | ChannelIsang Pagpapakilala ni Paul sa "Unknown God"Posted: 22 January 2022
By: Meilou Sereno Official FB Page
Twitter | Youtube | Instagram | Tiktok
#
TugmaLahatSa Acts 17:22-31, ipinakilala ni Paul sa mga taga-Athens ang "Unknown God." Ang Athens ang pinakatanyag na city of learning at sophistication in Paul's time. Napakadaming diyos-diyosan na sinasamba doon at napansin ni Paul ang isang altar na dedicated like this: "To the Unknown God."
Sa isang bansa na tumatawag sa sarili na Christian-majority, ngunit kilala for having split-level Christianity, magandang matukoy ang mga hadlang sa #
IntegralFaith kung saan dapat ay #
TugmaLahat ang pananaw natin sa mga bagay ukol sa sarili, sa langit, sa lupa at sa lipunan. Magandang itanong: "Ano ba ang unknown sa mga Pilipino ukol sa Diyos na buhay na makapagdadala ng pagkakatugma ng pagpapakilala ng Diyos sa sarili Niya sa Bibliya sa perspektiba ng mga Pilipino?"
Marahil ang naging malaking kakulangan ay ang katuruan ukol sa katarungan. Bunsod siguro ito ng ating pagiging sakop ng mga Kastila, tapos ng mga Amerikano, at ng mga pumalit sa kanila na mga Pilipino na nagtangkang maghari-harian.
Ang Diyos na ating sinasamba ay maaaring naging Unknown sa atin dahil sa pag-iwas sa katuruan ng maraming inconvenient o difficult passages. Kung ilalagay natin ang sarili natin sa lugar ng mga misyonerong Amerikano, at mga nagsucceed sa Spanish friars, ang pagtuturo ng katarungan sa mga simbahan ay maaaring mainterpret na panghihikayat ng rebelyon sa mga mananakop, kaya’t dangerous ito sa pandinig ng colonial authorities.
Ngunit hindi rebelyon sa temporal ruling authorities ang itinuro ni Hesus at ng Kaniyang mga disipulo kundi overcoming victory sa mga pwersa ng kadiliman na nagsasabing walang pag-asa ang tao kundi mag-submit sa powers of darkness at sa pamamaraan ng mga ito.
At habang ipinagdidiinan sa ating mga simbahan ang halaga ng submission to authority kahit evil pa sila o they represent evil, ang internal transformation sa pamamagitan ni Jesus ay naiipit. Kasi, magbubulag-bulagan tayo sa pagmamalupit sa kapwa at pagbabaluktot ng hustisya. At maling kaisipan ang pinapalaganap na okay na basta nasa simbahan at kumakanta ng worship songs. Samantalang ang greatest commandment of loving God with one's whole being ay nilalabag, dahil ang kunsyensya ng Kristyano ay pinapatay upang makaya niyang magtolerate ng gross corruption at EJKs. Nagiging lantaran ang kawalan ng pagmamahal sa kapwa, na violation ng second greatest commandment of loving one's neighbor as oneself.
Ano ang integrated view ni Paul sa orderly life (kasama na ang submission)? —that everything must be subsumed by the only real debt of a Christian, to love as Christ loved.
So ang law and order, ang peace-keeping, ang paglaban sa kriminalidad, ay nakapaloob sa higher duty to love. At ito ang tunay na vision ng Kristyanismo na dapat ay gampanan ng mga followers ni Jesus. Hindi upang makapangibabaw, maging makapangyarihan, o magkaroon ng yaman o katanyagan sa mundong ito. Ngunit ang mamuhay—kasama na ang pakikipaglaban para sa kabutihan ng kapwa—gaya ni Kristo.